Barber nanakawan ng smartphone, suki nag-fundraising

Author:
Man wearing T-shirt with QR code, and Sonu holding the new smartphone

Nakunan ng photo ng isang X user ang T-shirt na may QR code para sa fundraising campaign ng customer upang mabilhan ng bagong smartphone ang kanyang barber. Nag-viral ang tweet at nakita ng co-founder and head of marketing ng isang phone company. Photos courtesy of Pooja Sanwal (L) and Nothing Phone (R).

Naantig ang puso ng isang customer nang manakawan ng cellphone ang kanyang suking barbero.

Nanakaw ang smartphone ni Sonu, isang barber sa Ghaziabad, Uttar Pradesh, India, nitong unang linggo ng July 2024.

Ang tunay na pangalan ni Sonu ay Ghaziabad Ka Aalim Hakim.

Tinawag lang siyang Sonu dahil iyon ang nickname sa kanya ng mga suki niya sa Sonu Kings Salon.

Para magkaroon si Sonu ng bagong smartphone, nag-initiate ang naturang customer na mangalap ng pondo sa Milaap, isang crowdfunding app sa India.